^

Metro

Brgy. kagawad lasog sa bus

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang baba­eng barangay kagawad makaraang masagasaan ng isang pampasaherong bus sa mataong lugar sa Cubao, lungsod Quezon ka­makalawa.

Sa ulat ng Quezon City Police District Traffic Sector 3, ang biktima ay nakilalang si Elnor Labro, 58, Brgy. Kagawad sa Iloilo  at pansamantalang nanunuluyan sa Blk.149, Lot 33, Contreras St., Sitio Central, Upper Bi­cutan, Taguig City.

Hawak naman ng nasabing himpilan matapos na kusang sumuko ang suspect  na si Primitivo Ortiz, 54, driver ng Altro Transport Bus (TYR-684),  tubong Surigao Del Norte at naninirahan sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa ulat ni PO3 Re-nato Sunga, imbestigador  sa kaso, nangyari ang insi-dente sa kahabaan ng Edsa northbound, partikular sa tapat ng Five Star Bus Terminal, Brgy. E. Rodriguez, Cubao, sa lungsod, ganap na alas-6:20 ng gabi.

Sa pagsisiyasat, lumalabas na bago ang insidente ay kabababa lang umano ng biktima mula sa isang pamasaherong bus nang bigla itong masagasaan ng Altro Transport Bus.

Sa lakas ng pagkaka­bangga ay nagtamo ng ma­tinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima at t­inangka pang isugod ng mga nagrespondeng  MMDA Rescue Team sa East Avenue Medical Cen-ter (EAMC) subalit idineklara itong dead on arrival.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isinampa ng TS3 laban sa driver ng bus.

vuukle comment

ACIRC

ALTRO TRANSPORT BUS

ANG

BRGY

CONTRERAS ST.

CUBAO

EAST AVENUE MEDICAL CEN

ELNOR LABRO

FIVE STAR BUS TERMINAL

PRIMITIVO ORTIZ

QUEZON CITY POLICE DISTRICT TRAFFIC SECTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with