^

Metro

Motor vs trak, guro patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 24-anyos na guro makaraang sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang trak na nakahinto at nakaharang sa kalsada sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.

Naisugod pa sa Bernardino General Hospital ngunit nalagutan rin ng hininga dahil sa matinding pinsala sa ulo si Rowel­ Wisco, binata, guro ng Caloocan City Science and Tech­nology High School at residente ng No. 380 Kalantas St., Hillcrest Village­, ng naturang lungsod.

Hawak naman ng pulisya ang drayber na suspek na si Jaime­ Lita na siyang nagmamaneho sa tractor head na naka­re­histro sa isang Veronica Subagan.

Sa ulat, binabagtas ni Wisco ang Camarin Road patungong Almar sa naturang lungsod dakong alas-3:30 ng madaling araw nang sumalpok ito sa likuran ng trak na nakaparada sa tapat ng gate ng DN Steel warehouse. Sa lakas ng pagkakasalpok, nagtamo ang biktima ng matinding pinsala sa ulo.

Nabatid na alas-12:30 pa lamang ng madaling araw nang pumarada ang trailer truck sa naturang lugar ngunit hindi binibigyan ng pahintulot para makapasok sa DN Steel Compound. Nabigo naman si Lita na maglagay ng “early warning device” sa lugar lalo na at halos sakop ng kanyang trak ang kalahati ng kalsada at madilim sa lugar. Nahaharap ngayon si Lita sa kasong reckless imprudence resulting to homicide sa piskalya.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BERNARDINO GENERAL HOSPITAL

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY SCIENCE AND TECH

CAMARIN ROAD

HIGH SCHOOL

HILLCREST VILLAGE

KALANTAS ST.

LITA

STEEL COMPOUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with