^

Metro

Commercial building tinupok ng apoy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang mahigit walong oras, idineklara na ring fire under control ang isang commercial building sa Tondo, Manila.

Lumilitaw na nagsimulang masunog ang Electronics Building sa Honorio Lopez Boulevard sa Balut,Tondo ng bandang 7:39 ng umaga na umabot sa ikatlong alarma at dakong 3:13 ng hapon, nang ideklarang fire under control ang sunog.

Sa pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection ng Manila Fire, nagsimula sa ikalawang palapag ng gusali sa tanggapan ng Scan marine Incorporation, supplier ng iba’t ibang electronic products.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing sunog, dahil maaga pa ng magsimulang umusok ang nasabing gusali at wala pang empleyado ng mga sandaling iyon.

Ayon kay Ariel Columbres,  Service Engineer ng gusali posible umanong galing sa faulty electrical wiring o sa rechargeable battery o adopter ng computer  nagmula ang sunog.

Napilitan na ring  basagin  ng mga bumbero ang bintana ng gusali para matubigan ang bawat palapag.

vuukle comment

ANG

ARIEL COLUMBRES

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

ELECTRONICS BUILDING

HONORIO LOPEZ BOULEVARD

LUMILITAW

MANILA FIRE

MATAPOS

NAPILITAN

SERVICE ENGINEER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with