^

Metro

Hiniwalayan ng syota, binatilyo nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dala ng labis na de­presyon sa umano’y pakikipaghiwalay ng kanyang girlfriend,  nagbigti  ang isang  binatilyo sa lungsod Quezon kamakalawa.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang biktima ay nakilalang si Darryl John Awjero, 18,  ng No. 277 Lower Molave St., Bgy. Payatas B.

Nadiskubre ang biktima ng kanyang kapatid na si Angelu Mae Awjero habang nakabitin sa kubeta sa loob ng kanilang bahay, ganap na alas 7:30 ng gabi.

Ayon kay PO3 Anthony Tejerero, nagpunta si Angelu Mae  sa bahay ng kanyang nanay matapos na malamang naging kakaiba ang kinikilos ng kanyang nakababatang kapatid matapos na makipag- break sa kanyang syota.

Bago ito, nabatid na tinangka na rin ng biktima na magpakamatay pero napigilan lamang ito ng kanilang tatay.

Sinabi ni Angelu Mae sa pulis na tinangka nilang kausapin ang biktima nang araw na iyon.

Pero hindi ito tumutugon matapos ang ilang ulit na pagkatok nila sa kuwarto nito.

Dahil dito, nagpasya na silang puwersahang buksan ang pinto kung saan nila natuklasan ang biktima habang nakabigti sa kisame gamit ang nylon cord.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELU MAE

ANGELU MAE AWJERO

ANTHONY TEJERERO

AYON

DARRYL JOHN AWJERO

LOWER MOLAVE ST.

NBSP

PAYATAS B

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with