^

Metro

Dalagita sinaksak, sugatan sa 2 kamag-aral

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang 15-anyos na high school student nang pagsasaksakin ng 2 kapwa babaeng estud­yante sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Gat  Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang itinago sa pangalang Aya, ng Raja Soliman Science and Technology High School  sa Tondo at residen­te ng Parola compound.

Dalawang dalagita na pinangalanang Irish at Ange­lica naman na kapwa high school student din sa nasabing  paaralan ang pi­nag­hahanap ng mga awtoridad makaraang tumakas matapos ang ginawang   pananak­sak gamit ang icepick sa biktima.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Rennie Geronimo, ng Manila Police District-station 2, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi. Unang nagkabugbugan umano ang biktima at 2 suspek sa Matimtiman St. sa Tondo hanggang sa bumunot ng icepick ang isang suspek at sinaksak sa kaliwang braso at likod ang biktima.

Tumakas ang dalawa nang makitang duguan na ang biktima na sinaklolohan naman ng mga nakasaksi at dinala sa pagamutan. 

vuukle comment

ACIRC

ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

ANG

ANGE

AYA

CHIEF INSP

MANILA POLICE DISTRICT

MATIMTIMAN ST.

NBSP

RAJA SOLIMAN SCIENCE AND TECHNOLOGY HIGH SCHOOL

RENNIE GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with