Most wanted nasakote
MANILA, Philippines – Natapos na rin ang pagtatago ng isang lalaki na tinaguriang “number 1 most wanted” matapos itong masakote ng mga pulis sa Malabon City kahapon ng umaga.
Kinilala ni Police Chief Sr. Supt. Severino Abad Jr., hepe ng Malabon City Police ang akusadong si Christian Andales, 27, residente ng Pinaod San Ildefonso, Bulacan.
Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa naturang akusado, na itinuturing na number 1 most wanted sa lungsod dahil sa kasong robbery at violence and intimidation of person.
Kaagad na nagsagawa ng operasyon ang mga pulis laban sa akusado alas-8:15 ng umaga.
Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Zaldy Docena, ng Malabon City Regional Trial Court (RTC), Branch 170.
- Latest