^

Metro

Professor nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang professor ang nadiskubreng nagbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Roldan Cornejo, imbestigador, nakilala ang biktima na si Eric Christian Palispis, 34, ng Bella Doña Bldg., San Benissa Garden Villas, Brgy. Kaligayahan sa lungsod.

Ayon kay Tejerero, ang biktima ay nadiskubre ng kanyang kinakasama na si Marjorie Senia nang pasukin nito ang kuwarto­ ng una alas-6:30 ng gabi.

Sinasabing pagkadating ni Senia sa bahay ay napuna nito na ang pinto ng kuwarto ng biktima ay nakasara.

Nang buksan ni Senia ang pinto ay saka bumulaga sa kanyang harapan ang biktima habang nakabigti sa kisame gamit ang kurtina.

Agad na ipinabatid ni Senia ang insidente sa security guard ng Villas na siya namang nagreport sa pulisya.

Samantala, dagdag ni Tejerero, hindi na nila ipinagpa­tuloy ang pagsisiyasat sa insidente matapos na tumanggi ang kaanak nito at pumirma sa isang waiver na nagsasaad na kum­binsido silang nagpatiwakal ang biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BELLA DO

ERIC CHRISTIAN PALISPIS

MARJORIE SENIA

ROLDAN CORNEJO

SAN BENISSA GARDEN VILLAS

SENIA

TEJERERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with