^

Metro

4-anyos dinukot ng 5 armado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 4-anyos na batang babae ang dinukot ng limang armadong kalalakihan sa Sampa­loc, Maynila kamakalawa ng gabi.

Sa ipinadalang report ng Sampaloc Police Station, itinago ang biktima sa pangalang Jenjen, ng Olongapo City habang tinutunton na ngayon ang mga suspek.

Sa salaysay ni Katrine, ina ng biktima, alas-8:45 ng gabi nang tangayin ng limang suspek ang kanyang anak.

Sakay aniya  ng isang kulay maroon na Toyota Revo (WBY 401) ang mga suspek nang sapilitang kunin ang bata.

Nabatid na katatapos lamang kumain ng mag-ina sa isang fastfood chain sa Bustillos St., Sampaloc at nasa labas na sila nang huminto sa kanilang tapat ang sasakyan ng mga salarin.

Pagtapat umano sa ka­nilang harapan ay bu­maba ang mga suspek at tinutukan siya ng baril saka binuhat ang kan­yang anak at isinakay sa natu­rang SUV.

Hindi rin matukoy ng ginang ang motibo sa pagdukot sa bata, at aniya ay hindi naman tumatawag ang mga suspek sa kanilang pamilya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUSTILLOS ST.

ISANG

JENJEN

KATRINE

MAYNILA

NABATID

OLONGAPO CITY

SAMPALOC POLICE STATION

TOYOTA REVO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with