^

Metro

Lady trader inutas sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muli na namang nakalusot sa Caloocan City Police ang mga kriminal na riding-in-tandem nang pagbabarilin at mapatay ang isang negos­yanteng ginang, kahapon ng umaga.

Tadtad ng bala ng baril ang nasawing si Liza De Jesus, 41, may-ari ng Ronnie and Liza Hog Dealer Stall at residente ng Dagat Dagatan Brgy. 12, ng naturang lungsod.

Kritikal naman dahil sa tama ng bala ang matansero na si Jonnel Varquez, 31; habang sugatan ang dalawang helper na sina Jimboy Baslote, 19; at Digno Yasay, 18, pawang mga stay-in sa bahay ni De Jesus.

Sa ulat, naganap ang pa­mamaril dakong alas- 5:27 ng umaga sa tapat ng meat stall nito sa may Lot 19H Block 16C Phase 3-B, Brgy. 12 Dagat Dagatan, ng naturang lungsod.

Abala sa pag-aasikaso sa kanyang paninda ang biktima nang sumulpot ang dalawang salarin at walang sabi-sabing pinagbabaril ito,  habang nadamay ang tatlo nitong tauhan.

Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay  sa motorsiklo at humarurot tungo sa direksyon ng Malabon City.

Narekober sa lugar ng krimen ang anim na basyo ng bala buhat sa kalibre .9mm na baril. Patuloy namang ina­alam ng pulisya ang motibo sa krimen kabilang ang posibleng may kaugnayan sa negosyo ni De Jesus.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CALOOCAN CITY POLICE

DAGAT DAGATAN

DAGAT DAGATAN BRGY

DE JESUS

DIGNO YASAY

JIMBOY BASLOTE

JONNEL VARQUEZ

LIZA DE JESUS

MALABON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with