^

Metro

Dating kawatan nais magbagong-buhay, inutas ng mga kasamahan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang 22-anyos na dating miyembro ng robbery group nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa tukoy na mga salarin sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang si Arjay Bibot, residente ng Perla St., Tondo.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matunton ang kinaroroonan ng mga suspek na hinihinalang mga dating kasamahan sa robbery group.

Sa ulat ni SPO2 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala -1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa harap ng isang  bahay  sa Narra  St, at  panulukan ng Magsaysay St., Tondo.

Sinabi ng kaanak ng biktima na noon lamang  nakalipas na Hulyo lumaya sa kasong robbery ang biktima at simula  noon ay nangako na hindi na uli manghoholdap subalit marami umanong mga dating ka-grupo ang nangungulit sa kaniya na muling sumama sa lakad.

Hindi umano pinauunlakan ng biktima ang mga pagyayaya na pinatunayan naman ng nakasasakop na si Chairman Jaime Kimpis ng Barangay  120, Zone 9 dahil nais umano nitong magbago.

Paniwala ni Kimpis, posibleng ang mga kasamahan ang nagtumba sa biktima dahil sa ayaw na itong makisama sa kanilang operasyon.

vuukle comment

ANG

ARJAY BIBOT

CHAIRMAN JAIME KIMPIS

HULYO

JOHN CHARLES DURAN

KIMPIS

MAGSAYSAY ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MGA

NBSP

PERLA ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with