^

Metro

Shootout: 2 carjacker, utas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang carjacker ang nasawi nang lumaban at makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City police,  kahapon ng  madaling-araw.

Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa mga nasawi na ang isa rito ay inilarawan ni P/Supt. Rodel Marcelo na nasa 25-30-anyos habang ang isa naman ay nasa-50  taong gulang, 5’5” ang kanilang taas, kapwa nakasuot ng itim na jacket, parehong naka-short pants, naka rubber shoes  at katamtaman ang kanilang pangangatawan.

Base  sa report, bandang ala-1:30 ng madaling-araw binabaybay ni Beverly Rizalon lulan ng kanyang motorsiklo na Yamaha Novo 1994 TH ang kahabaan ng 20th Ave., Aurora Blvd. sa naturang lunsod nang harangin ng dalawang suspect at tu­tu­kan ng baril.

Pilit na kinukuha ng mga ito ang dala niyang motorsiklo. Sa takot na baka siya patayin ay iniwan na niya ito na tinangay ng mga suspect.

Agad namang nakahingi ng tulong si Rizalon sa rumorondang mga pulis ng CIDU at hinabol ang mga ito at pagdating sa  NIA Road, Brgy. Piñahan pinaulanan ng bala ng mga suspect ang mga humahabol na pulis.

Sa puntong ito, gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng dalawang carjacker.

Narekober ng mga pulis ang dalawang handgun na ginamit na mga suspect habang nabawi ang motorsiklo ng biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

AURORA BLVD

BEVERLY RIZALON

BRGY

MGA

NBSP

QUEZON CITY

RODEL MARCELO

YAMAHA NOVO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with