^

Metro

Dahil sa utang na bigas binata kritikal sa boga ng parak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil lamang sa pagkakautang na kalahating ka­ban na bigas nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang binata makaraang barilin ng isang pulis, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Inoobserbahan ngayon sa Quezon City General Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa sikmura ang biktimang si Gabriel Cagorol, Jr., 26, ng Muñoz Street, Del Mundo Village, Brgy. 167 Llano, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ngayon ang tumakas na suspek na inisyal na nakilalang si PO1 Arambolo, kasama ang ama nito.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi nang pasukin ng suspek at ama nito ang bahay ni Cagorol at kinompronta ukol sa hindi nababayarang utang na kalahating sako ng bigas.

Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa paputukan na ng suspek si Cagorol saka mabilis na tumakas bitbit ang baril na ginamit.

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang naturang suspek na nahaharap sa kasong frustrated homicide.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARAMBOLO

ATILDE

BRGY

CAGOROL

CALOOCAN CITY

DEL MUNDO VILLAGE

GABRIEL CAGOROL

PINAGHAHANAP

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with