^

Metro

Trader kritikal sa boga ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa malubhang kalagayan ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki na hinihinalang “gun-for-hire” sa tapat ng kanyang bahay sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Isinugod sa Fatima Medical Center ang biktimang si Fortunato Salazar, 49, ng  Salazar St.,  Brgy. Parada, ng naturang lungsod kung saan ito ginagamot. Sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang Mitsubishi Montero kasama ang kanyang misis, bayaw na si Jeffrey Reyes at hipag at kararating lang ng kanyang bahay dakong alas-9 ng gabi. Unang bumaba ng kotse ang biktima upang isara ang gate nang sumulpot ang dalawang salarin at agad siyang pagbabarilin. Nagawa namang makatakbo ng biktima at makapagtago sa loob ng sasakyan ngunit isa sa mga salarin ang sumunod at muli siyang pinaputukan sa katawan bago tumakas gamit ang isang motorsiklo. Mabilis namang naisugod ng mga kaanak ang biktima sa nabanggit na pagamutan habang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct 12 ngunit bigo na masakote ang mga salarin. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso upang mabatid ang motibo sa tangkang pamamaslang at makakuha ng lead para maresolba ang krimen.

vuukle comment

ANG

BRGY

FATIMA MEDICAL CENTER

FORTUNATO SALAZAR

ISINUGOD

JEFFREY REYES

MABILIS

MITSUBISHI MONTERO

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SALAZAR ST.

VALENZUELA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with