^

Metro

LTFRB, malabnaw sa panukalang alisin ang provincial bus terminals sa Quezon City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malabnaw ang pagtanggap ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa panukala ni QC Councilor Ramon Medalla na alisin ang mga provincial bus terminals sa lungsod.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Ariel Inton, board member ng LTFRB, bagamat may kaunting tulong ang panukalang ito ni Medalla para maibsan ang  trapiko sa Metro Manila, hindi naman ito ganap na makakapag-alis ng problema sa traffic laluna sa Edsa.

Anya, mas mainam na iayos na mabuti ang sis­tema ng mass transpor­tation sa Metro Manila dahil ito lamang ang tanging lunas sa sobrang traffic sa Edsa.

 Bukod dito, sinabi ni Inton na dapat sana ay magkaroon din ng phase out sa private vehicles para makabawas sa mga sa­sakyan na gumagamit sa mga lansangan.

 “Unang-una, mas maraming private cars kaysa sa passenger vehicles, sana kung may phase out sa passenger vehicles, may phase out din sa private cars… tingnan mo yung mga phase out na taxi, after phase out ginagawang private cars, so wala talagang nangyayaring phase out at hindi talaga nababawasan ang mga sasakyan, maliit ang daan, marami at sobra ang sasakyan,” pahayag ni Inton.

 Bukod dito,sinabi ni Inton na bagamat may ma­itutulong ang panukala ni Medalla na alisin ang provincial bus terminals sa EDSA para mabawasan ang traffic, pero sa lega­lidad, bibilang anya sila ng mahabang panahon para magawa ito dahil private property ng mga may-ari ng bus company ang kinala­lag­yan nila ng terminal. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARIEL INTON

BUKOD

COUNCILOR RAMON MEDALLA

EDSA

INTON

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MEDALLA

METRO MANILA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with