^

Metro

Magkapatid na paslit, natusta sa sunog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalitson nang buhay ang dalawa sa apat na magka­kapatid matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Halos hindi na makilala ang mga biktimang sina Gab­riella, 7; at Danny Castro, 2, matapos matagpuan sa loob ng kanilang  kuwarto dahil sa pagkatupok  ng mga ito.

Lumalabas sa report ni FO3 Alwin Culianan, arson investigator ng Caloocan City Bureau of Fire, alas-2:40 ng madaling-araw nagsimulang sumiklab ang apoy sa  isang residential building, na pag-aari ni Eusebio Castro, 49,  na matatagpuan sa Block 17, Lot 34 Diamond St., Merry Homes II, Camarin,  Brgy. 172 ng nasabing lungsod.

Nagsimula ang sunog  sa sala at ang namatay na si Gabriella pa ang nanggising sa kuya nitong si Johnroy, 10, at kapatid na si George, 4-taong gulang na nagawang makatalon sa bintana.

Bigo namang makatalon din sa bintana ang mga biktima at hindi nailigtas ang kanilang sarili.

Nabatid na tanging ang magkakapatid lamang ang naiwan sa bahay makaraang umalis ang kanilang mga magulang.

Tinatayang aabot sa isang milyong halaga ang napinsala at alas-3:40 ng madaling-araw nang maapula ang apoy.

Wala namang nadamay na iba pang bahay at pa­tuloy na inaalam  kung faulty electrical wiring ang sanhi ng insidente.

vuukle comment

ALWIN CULIANAN

BIGO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY BUREAU OF FIRE

DANNY CASTRO

DIAMOND ST.

EUSEBIO CASTRO

MERRY HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with