^

Metro

Driver hinoldap na, taxi tinangay pa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaposas ang dalawang kamay at nababalutan pa ng packaging tape ang mukha at mga hita nang matagpuan ng mga nagpapatrulyang awtoridad ang isang taxi driver matapos na holdapin at itapon sa isang kalye ng tatlong mga suspect sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 10, ang biktima ay nakilalang si Rolando Solomon, 56, ng Libtong Meycuayan, Bulacan.

Ang biktima ay hinoldap ng tatlong armadong lalaki na bukod sa kanyang kita ay tinangay pa maging ang pinapasadang taxi na “Javis” na may plakang UDQ-746.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Manhattan kanto ng Lintana St., Brgy. Immaculate Concepcion, ganap na alas-3:30 ng madaling-araw.

Bago ito, sabi ng biktima, habang tinatahak niya ang kahabaan ng Tomas Morato ay pinara siya ng isa sa mga suspect at nagkuwaring pasahero na nagpahatid sa bahagi ng Brgy. Valencia sa lungsod.

Habang tinatahak nila ang Manhatan, kanto ng Lintana St., biglang nagbunot ng patalim ang sakay na suspect sabay tutok sa biktima at nagdeklara ng holdap.

Mula dito ay inutusan ang biktima ng suspect na iparada ang kanyang taxi, hanggang sa sumulpot ang dalawa pa nitong kasamahang suspect na nagposas sa kanya.

Hindi pa nakuntento, bi­nalutan pa ng mga suspect ng packaging tape ang mukha at mga hita ng biktima. Matapos nito ay kinuha ng mga suspect ang kinita at gamit ng biktima, bago siya itinapon sa labas ng taxi at iniwan sa kalye tangay ang nasabing sasakyan. (Ricky Tulipat)

 

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

IMMACULATE CONCEPCION

LIBTONG MEYCUAYAN

LINTANA ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

RICKY TULIPAT

ROLANDO SOLOMON

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with