^

Metro

MRT, nagka-aberya ulit

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos magpatupad nang pagtaas ng singil sa pamasahe ay muli na namang nagkaaberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT),  kamakalawa ng gabi.

Ayon kay MRT Director Renato San Jose, nalimitahan ang operasyon ng MRT sa pagitan ng Shaw Boulevard at Taft Avenue dahil sa aberya dakong alas-8:00 ng gabi.

Sinabi ni San Jose na ang aberya ay bunsod ng naging problema sa nasirang riles ng tren sa northbound lane ng Santolan Station.

Dahil dito  maraming pasahero ang na-istranded sa pagitan ng Santolan at Ortigas station.

Matatandaang nagpatupad ng mas mataas na singil sa pasahe ang MRT nitong Enero­ 4 lamang kasabay nang pangakong makatutulong ito sa pagbibigay nila ng mas mahusay na serbisyo sa mga mananakay. Ang maximum fare ng MRT ay nagtaas mula sa dating P15 at naging P28 na.

Ang MRT ang siyang nag-uugnay sa North Avenue sa Quezon City at Taft Avenue sa Pasay City, sa pamamagitan nang pagdaan sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

vuukle comment

DIRECTOR RENATO SAN JOSE

METRO RAIL TRANSIT

NORTH AVENUE

PASAY CITY

QUEZON CITY

SAN JOSE

SANTOLAN STATION

SANTOS AVENUE

SHAW BOULEVARD

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with