^

Metro

Bagitong pulis patay sa tandem

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 35-anyos na pulis Quezon City, habang nadamay ang 7-anyos na batang lalaki matapos na barilin ng riding-in-tandem sa Sampaloc, Maynila kahapon ng tanghali.

Idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si PO1 Danny Samuray, 35, nakatalaga sa intelligence division ng NCRPO habang tinutugis na rin ang dalawang salarin.

Inilarawan naman ang mga suspek na kapwa nakasuot ng kulay itim na jacket na ang isa ay  bumaril sa pulis.

Sinasabing ang gunman din umano ang sinasabing bumaril at nakapatay sa pulis- Maynila na si PO3 Ronaldo Flores noong nakaraang taon.

Sa imbestigasyon, ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District Homicide Section, dakong  alas-12:45 ng tanghali nang maganap ang  pamamaril sa biktima sa San Jose St. sa Sampaloc.

Nabatid na huminto sa mga naka­tambay sa naturang lugar ang dalawang suspek at nagtatanong kung saan ang Aliwan St., aktong dumating naman si PO1 Samuray, nagpakilalang pulis saka tinanong ang dalawang suspek kung ano ang problema.

Ilang minuto ang lumipas, kumuha lamang umano ng buwelo ang salarin at nang makadistansiya ay bumunot ng baril saka ipinutok sa dibdib ng biktima.

Sa nasabing insidente, tinamaan ng bala ang 7-anyos na bata dinala sa Ospital ng Sampaloc.

vuukle comment

ALIWAN ST.

DANNY SAMURAY

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MAYNILA

OSPITAL

QUEZON CITY

RONALDO FLORES

SAN JOSE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with