^

Metro

NCRPO, MMDA nakaalerto

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling inalerto ng National Capital Regional Police Office ang kanilang tauhan para magbantay sa mga terminal ng pampasaherong bus dahil sa pagdagsa ng mga pasahero mula sa kani-kanilang probinsiya na magbabalik naman sa Metro Manila.  Ayon kay NCRPO Director Carmelo Valmoria, inaasahang dadagsa ang mga mananakay sa mga terminal na nagmula sa kani-kanilang mga probinsiya.

Tiyak aniya na tataas na naman ang bilang ng mga commuter sa mga terminal dahil  sa Lunes (Enero 5) ay may pasok na ang mga tanggapan at paaralan.

Bukod sa pagpapatupad ng police visibility sa Metro Manila partikular sa mga terminal, inatasan din ni Valmoria ang kapulisan na paigtingin ang intelligence gathering laban sa mga masasamang elemento at grupong nais maghasik ng karahasan. Maging ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority ay nakaalerto para sa pagmamantina ng daloy ng trapiko dahil sa inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila. (Lordeth Bonilla)

 

vuukle comment

AYON

BUKOD

DIRECTOR CARMELO VALMORIA

ENERO

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVE

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with