^

Metro

Noche Buena ng magkakapitbahay, nauwi sa rambulan: 1 patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nauwi sa madugong insidente ang masayang sele­brasyon ng Noche Buena ng magkakapitbahay nang mag-asaran diumano habang  mga lasing na at magtalu-talo hanggang sa saksakin ang isang 28-anyos  na lalaki ng  isang  welder   sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital ang-biktimang si Jay-R Bautista, residente ng Oro-B, Sta. Ana, Manila sanhi ng  tinamong saksak sa kaliwang dibdib. Arestado naman ang suspek na kinilalang si Ryan Flores,  24, ng nasabi ring lugar. Narekober sa kaniya nina PO2 Henry Imam at PO1 Efren Sabulao Jr. ang kutsilyo na may 10 pulgada ang haba na ginamit sa pananaksak.

Sa ulat ni SPO2 Milbert  Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw ng Disyembre 25, sa labas ng bahay ng biktima at suspek.

Nabatid na masayang nagkakasiyahan ang mga magkakapit­bahay sa lugar habang nasa magkabilang mesa ang grupo ng biktima at grupo ng suspek na nagkainitan. Nagkapikunan at nagbatuhan ang magkabilang grupo at nauwi pa sa labu-labo hanggang sa tumigil lamang nang may bumulagta na sa kanila. Nakapiit sa MPD Homicide detention cell ang suspek habang inihahanda ang kasong homicide.

 

vuukle comment

ANA HOSPITAL

ARESTADO

EFREN SABULAO JR.

HENRY IMAM

JAY-R BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NOCHE BUENA

RYAN FLORES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with