^

Metro

5 bahay naabo, 1 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang residente ang sugatan sa sunog na lumamon sa limang bahay sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, nakilala ang sugatan na si James Co, na nagtamo ng lapnos sa noo at braso habang inaapula ang apoy.

Ang sunog ay nangyari sa may Maximo Viola Gracevill, Bgy. Balingasa, partikular sa dalawang palapag ng bahay ng isang Choheng Co, 73, ganap na ala 1:20 ng madaling-araw.

Bukod sa bahay ni Co, nadamay din ang apat pang bahay dahilan para umabot ito sa ika-apat na alarma bago tuluyang maapula, ganap na alas-2:25 ng madaling-araw.

Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, faulty electrical wiring­ ang sanhi ng sunog. Habang inaalam pa ang halaga ng pinsala nito.

vuukle comment

AYON

BALINGASA

BGY

BUKOD

CHOHENG CO

HABANG

JAMES CO

JESUS FERNANDEZ

MAXIMO VIOLA GRACEVILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with