^

Metro

Caregiver, hinoldap ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Personal na dumulog sa tanggapan ng pulisya ang isang  caregiver para ireklamo ang ginawang panghoholdap sa kanya ng  riding in tandem sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Jayson Soriano, 26, ng Brgy.  Concepcion Dos, Marikina City.

Base sa inisyal na report sinabi ni Police Inspector Edwin Malabanan, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Marikina City Police, dakong alas-7:20 ng gabi nang maganap ang insidente habang nagla­lakad  ang biktima ka­sama ang isang kaibigan nito sa kahabaan ng Oxford St, Brgy. Concepcion Dos.

Papasok na sa trabaho ang dalawa nang biglang sumulpot sa kanilang likuran ang mga suspek na magka­angkas sa motorsiklo at hinarang sila.

Bumaba ang dalawang suspek na armado ng hindi mabatid na kalibre ng baril at saka nag-anunsyo ng holdap.

Tinangay  ang bag ng biktima na may cellphone, pitaka, cash at mahahalagang dokumento at saka mabilis na tumakas ang mga suspek.

Sa rogue gallery ng Marikina City Police ay nakilala naman ng biktima ang isa sa mga suspek na si Alvin Bartodazo, na tinutugis na ngayon ng mga awtoridad.

vuukle comment

ALVIN BARTODAZO

BRGY

CONCEPCION DOS

JAYSON SORIANO

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

OXFORD ST

POLICE INSPECTOR EDWIN MALABANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with