^

Metro

‘Traffic summit’ ilalarga ng Caloocan police sa kapaskuhan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Plano ng pamunuan ng Caloocan City Police na magsagawa ng “traffic summit” ngayong Disyembre upang mas mapaghandaan ang sari-saring problema sa trapiko at krimen sa kalsada na karaniwang kaakibat ng pagpasok ng Kapaskuhan.

Sinabi ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Bartolome Bustamante, isasama sa naturang summit ang mga opisyales at tauhan ng lahat ng units ng Caloocan Police partikular ang Traffic Management Unit, mga kinatawan ng Highway Patrol Group (HPG), Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) at mga opis­yales at tauhan ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) sa Caloocan City Hall at mga tauhan ng barangay.

Ang plano umano niyang “transport summit” ay base sa “marching orders” na ibinigay ni Mayor Oscar Malapitan na nag-utos na lansagin lahat ang krimen sa kalsada tulad ng mga “motorcycle riding criminals”, mga karnaper at mga holdaper at mandurukot na karaniwang sumasa­lakay kapag magpa-Pasko na.

Nais ng opisyal na matuto na mag-imbestiga ang mga karaniwang pulis sa mga aksidente sa kalsada upang hindi na tumagal ang mga nakahambalang na sa­sakyan sa paghihintay ng kuwalipikadong imbestigador.

Sa pamamagitan nito, mapapabilis ang pag-alis sa mga sasakyang sangkot sa aksidente habang didiretso na sa istasyon ang imbestigasyon kung magagawan kaagad ng ulat ng “first res­ponder” na pulis kahit hindi ito traffic police.

Nakapaloob rin dito ang pagpapalabas ni Busta­mante sa mas maraming pulis sa kanilang opisina at gawing tatlong “shifts” ang mga pulis na nasa “beat patrol” para magbantay partikular na kapag sumapit na ang “Simbang Gabi”.

Kasalukuyang pagtitiya­gaan muna umano ng Caloocan Police ang nasa 780 nilang pulis habang hinihintay ang tugon ng DILG at PNP sa matagal nang ka­hilingan ni Malapitan na doblehin ang bilang ng pulis sa lungsod na ikatlo sa pinakamalaking populasyon sa Metro Manila.

vuukle comment

BARTOLOME BUSTAMANTE

CALOOCAN CITY HALL

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT

HIGHWAY PATROL GROUP

MAYOR OSCAR MALAPITAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with