^

Metro

Clearing operation vs pedicab, PUJ isinagawa ng MTPB

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasopresa ang mga pedicab at jeepney dri­vers sa iba’t ibang lugar sa Maynila nang muling  magsagawa ng sopresang clearing operations ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kamakalawa laban sa mga nakahambalang na sasakyan.

Sa pangunguna nina  MTPB  Director Carter Don Logica at OVM complaint desk chief Pury Anne Nazareth Cortes,  sunud-sunod na nilinis ng MTPB ang Tayuman / Rizal Ave.; Quiricada/ Rizal Ave.; Jose  Abad Santos corner Recto; Raja Bago; Tondo church;  Yuseco St./ Juan Luna; Arroceros St. at Lambingan Bridge sa Sta. Ana, Maynila.

Ayon kay Logica,  matagal na nilang inabisuhan ang mga pedicab gayundin ang mga jeepney driver at iba pang mga obstruction sa lugar na   ayusin ang kanilang mga lugar   at hindi makaabala sa ibang motorista.

Subalit sa kabila ng kanilang  paulit-ulit na pakiusap ay hindi tuma­talima ang mga  drivers at sa halip ay ginagawa pa umanong terminal.

Ilan sa mga driver ang tinikitan at   hinatak ang mga sasakyan.

Una nang sinabi ni  Manila Vice Mayor Isko Moreno na hindi sila mapapagod na  ipatupad ang  ‘1-2’ o ‘wantusawa’  sa paglilinis ng mga pasaway na driver ng  PUJ at pedicab na nakaharang sa mga daanan.

Kailangan aniyang  magkaroon ng disiplina ang lahat ng mga dri­vers dahil sila din mismo ang makikinabang dito.

 

vuukle comment

ABAD SANTOS

ARROCEROS ST.

DIRECTOR CARTER DON LOGICA

JUAN LUNA

LAMBINGAN BRIDGE

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

RIZAL AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with