^

Metro

Tarak para kay bunso, sinalag ni kuya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatunayan ng isang 27-anyos na lalaki kung gaano niya kamahal ang kanyang nakababatang kapatid matapos na magbuwis ng buhay para rito, sa pamamagitan nang pagsangga sa mga saksak na para sana sa kanyang kapatid sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Rizal Medical Center ang biktimang si Erwin Amian Jr., ng Raymundo Ave­nue, Brgy. Caniogan, Pasig City bunsod ng tinamong tatlong saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib na tumagos sa puso, sa likod at tiyan.

Mabilis namang tumakas ang 15-anyos na suspek na resi­dente ng Na­zareth Compound, Brgy. Caniogan matapos ang krimen.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Ronnie Geronimo, ng Station Investigation Detection Management Branch (SIDMB) ng Pasig City
Police, nabatid na naganap ang krimen dakong alas-4:20 ng madaling- araw sa tapat ng isang convenience store sa Dr. Sixto Avenue, kanto ng Pasig Blvd. sa Brgy. Caniogan.

Ayon sa salaysay ni Manuel, 14, nakababatang kapatid ng biktima, kasalukuyan siyang naka­upo sa tapat ng naturang convenience store kasama ang kaibigang si Kenneth nang bigla umanong dumating ang suspek.

Tinawag umano ng suspek si Manuel at binugahan ng tear gas sa mukha saka hinamon ng away. Hindi naman umano lumaban si Manuel at sa halip ay pumasok na lamang sa loob ng convenience store.

Gayunman, sinundan umano ng suspek ang biktima sa loob ng tindahan kaya’t nakiusap si Manuel kay Kenneth na sunduin ang kanyang Ate
Rowena upang madala siya sa ospital dahil sa pagkaka-tear gas sa kanya ng suspek.

Sa halip naman umanong si Ate Rowena ay si Erwin ang dumating sa lugar at kina­usap ang suspek para tigilan na ang kapatid.

Ngunit nang paalis na umano ang magkapatid upang umuwi ay bigla na lang umanong sinugod ng suspek ng saksak si Manuel na nakita naman ng kanyang Kuya Erwin at kaagad na humarang kung kaya’t ito ang tinamaan ng saksak sa likod.

Inutusan naman umano ni Erwin si Manuel na tumakbo na lalong ikinagalit ng suspek kaya’t dalawang ulit pang tinarakan ang biktima sa dibdib na tumagos sa puso at tiyan  na siyang ikinasawi nito.

Inamin naman sa pu­lisya ni Manuel na may dati silang pag-aaway ng suspek na nagmula pa noong nakaraang taon, dahil nasaksak umano ang
suspek ng ka-tropa ni Manuel at nada­may siya sa galit nito.

Sinabi ni Manuel na nagbanta pa ang suspek na gaganti ngunit hindi umano niya inakalang madadamay ang kanyang kuya.

 

vuukle comment

ATE ROWENA

BRGY

CANIOGAN

DR. SIXTO AVENUE

ERWIN

ERWIN AMIAN JR.

MANUEL

PASIG CITY

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with