^

Metro

Ginising para maglaba: Anak sinaksak ang ama

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Agaw-buhay ngayon sa pagamutan ang isang 59-anyos na ama matapos na siya ay dalawang beses na saksakin ng kanyang sa­riling anak na kanyang ginising para utusan na maglaba sa Pasig City kahapon.

Ang biktima na ginagamot sa Rizal Medical Center (RMC) ay nakilalang si Arturo Sosa,  ng Block 2, Lot 23, Benedict St., Barangay Kalawaan, Pasig City.

Nakakulong naman ngayon sa Pasig City lock-up jail ang anak na suspek na si Paolo Sosa, 18, motorcycle designer.

Ayon sa report, ang pananaksak ay naganap dakong alas-2:00 ng hapon sa tapat ng tahanan ng mag-ama.

Sa imbestigasyon ni PO3 Al Alvarez ng Station Investigation and Detection Management Branch ng Pasig PNP, sinasabing mahimbing na natutulog ang suspek nang gisingin ng kanyang ama para utusan na maglaba ng kanilang maruming damit.

Sa panig ng suspek ay sinabing naalimpungatan umano siya dahil sa biglaang paggising sa kanya ng kanyang ama, kaya niya ito nagawang saksakin ng dalawang beses.

vuukle comment

AGAW

AL ALVAREZ

ARTURO SOSA

BARANGAY KALAWAAN

BENEDICT ST.

PAOLO SOSA

PASIG CITY

RIZAL MEDICAL CENTER

STATION INVESTIGATION AND DETECTION MANAGEMENT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with