^

Metro

Sa pag-ambus sa police major 6 katao hawak na ng QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim katao na pinaniniwalaang sangkot sa pananambang sa isang opisyal ng Quezon City Police District ang nasa kustodiya na ngayon ng mga awtoridad matapos maaresto sa follow-up operation ng binuong Task Force.

Ayon sa isang opisyal ng pulisya na ayaw magpabanggit ng pangalan, ang mga suspek ay pawang mga resi­dente sa Brgy. Commonwealth sa lungsod ay nasa kustodiya ngayon ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit at isina­sailalim sa masusing pagsisiyasat.

Diumano, ang mga nasabing suspek ay positibong kinilala ng mga testigo sa naturang krimen. Gayundin sa kuha ng CCTV na nakakabit  sa lugar kung saan tinambangan si Chief Insp. Roderick Medrano.

Gayunman, hindi muna ibinigay ng source kung ano ang mga pangalan ng mga suspek, bunga ng umano’y pa­tuloy na pagsisiyasat na kanilang ginagawa at operasyon sa mga natitira pa nitong kasamahang nakakalaya.

Nabatid mula sa source na ang mga suspek ay naaresto ng QCPD sa may  Batasan Hills at Commonwealth Avenue.

Si Medrano ay pinagbabaril at napatay noong Lunes ng umaga habang inihahatid ang kanyang mga anak sa paaralan sakay ng isang Honda sa kahabaan ng Zabarte Road.

Nagtamo si Medrano ng mga tama ng bala sa ulo at katawan, ang dalawa nitong anak at asawa ay ligtas naman sa nasabing insidente.

vuukle comment

BATASAN HILLS

CHIEF INSP

COMMONWEALTH AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RODERICK MEDRANO

SI MEDRANO

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with