^

Metro

Taxi nagliyab sa EDSA

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masuwerteng naka­ligtas ang driver ng isang taxi at pasahero nito ma­karaang biglang magliyab ang kanilang sinasakyan habang tina­tahak ang kahabaan ng EDSA sa Balintawak, Quezon City kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Jesus Fernandez, city fire marshal, ang nasunog ay ang MGE taxi (UVH-789) na minamaneho ng isang Angelo Acob, 31.

Naglagablab ang nasabing sasakyan sa may tapat ng isang supermarket sa EDSA, Balintawak ganap na alas-9 ng umaga.

Ayon kay Acob, sakay niya ang dalawang pasahero at binabagtas ang nasabing lugar nang mapuna niyang umuusok ang hood nito.

Dahil dito, nagpasya siyang ihinto ang taksi para tignan ang makina nito, pero hindi pa umano siya nakababa ay bigla itong naglagablab dahilan para agad silang magsipagbabaan ng kan­yang mga pasahero.

Sabi ni Fernandez, sa engine compartment ng taxi nagsimula ang apoy na posibleng nag-ugat sa electrical wiring nito.

 

vuukle comment

ACOB

ANGELO ACOB

AYON

BALINTAWAK

DAHIL

FERNANDEZ

JESUS FERNANDEZ

MASUWERTENG

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with