^

Metro

P100,000 reward vs killer-rapist ng beybi

Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang daang libong piso ang inilaang pabuya ng pamahalaang lungsod ng San Juan sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para sa ikaaaresto ng suspect na sangkot sa panghahalay at pagpatay sa 11-buwan sanggol sa nabanggit na lungsod noon nakalipas na Biyernes.

Ito ang inihayag ni Mayor Guia Gomez matapos na aprubahan ng city council ang pagbibigay ng reward matapos ang missing kahapon.

Umaasa si Gomez na sa pamamagitan ng inilabas na pabuya ay agad na mada­rakip ang suspect  na unang kinilala ng pulisya.

Magugunitang ang ka­rumal-dumal na krimen ay natuklasan noong nakalipas na Biyernes.

Ang beybi na biktima na kinilalang si Geralyn Cortez ay nagtamo ng matinding  pinsala sa kanyang ab­domen  na umepekto rin sa kanyang atay. Bukod pa sa  pinsalang nakita sa ari nito.

Ang biktima ay magugu­nitang natagpuan sa ilalim ng isang pampasaherong jeep na wala nang buhay sa may Don Ejercito St. sa Brgy. Tibagan sa San Juan.

Lumutang na rin ang mga magulang ng bata na nakilalang sina Ariel at Geraldine.

Bago matagpuan ang biktima na wala nang buhay ay nakunan pa ito ng CCTV na karga ng suspect.

vuukle comment

BIYERNES

BRGY

BUKOD

DON EJERCITO ST.

GERALDINE

GERALYN CORTEZ

GOMEZ

MAYOR GUIA GOMEZ

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with