^

Metro

Chinese traders iimbestigahan sa mataas na presyo ng bawang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mga dealer ng bawang sa Divisoria market  ang inisyal na nakikitang may pakana umano ng sobrang pagtaas ng presyo ng bawang.

Ito ang lumalabas sa inisya­l na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na inatasan ng Malakanyang matapos maalarma sa biglaang pagtaas ng presyo sa merkado.

Ayon sa source, pawang Chinese traders sa Binondo  at  Divisoria market ang lumalabas na nagpatong ng sobrang presyo.

Sa 14 na pangunahing palengke sa Metro Manila na inusisa ng NBI, natuk­lasan na pawang sa Divisoria nagmumula ang kanilang suplay ng bawang.

Ang mga retailer umano ay kumukuha sa wholesaler na mga Chinese traders sa Binondo  na kung tutuusin ay nasa P40 hanggang P60 lamang ang kilo ang hango sa importer ng Chinese traders­ at ipinapasa naman ito sa mga retailer ng napakataas na umaabot pa sa 900 por­syento sa presyo ng pagkabili mula sa  importer.

Kabilang sa tinungo ng NBI ang mga palengke sa  Pritil na nasa P260 ang kada kilo; Trabajo market na nasa P300; La Huerta market P330; Alabang P280; Baclaran P350; Marikina P280; San Juan P280 (local)­ at  P300 (imported), at Balintawak P260.

Inimbita na ng NBI ang ilang Chinese traders at ang 7 kooperatiba na nabigyan ng may 52 garlic impor­tation permits ngayon taon ng Bureau of Plant Industry.

Aalamin umano kung ano ang mali sa pagbibigay ng permit  na dapat ay isa sa bawat bidder lamang ang  mapagkakakalooban ng permit na pahihintulutang makapag-angkat ng nasa 5,000 metriko tonelada ng bawang.

vuukle comment

AALAMIN

BINONDO

BUREAU OF PLANT INDUSTRY

DIVISORIA

LA HUERTA

METRO MANILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with