^

Metro

Kelot sinaksak, patay sa matalik na kaibigan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ng dalawang matalik na magkaibigan ang matagal nilang pagsasamahan matapos na mauwi sa pananaksak ang kanilang paghaharap na ikinasawi ng isa sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Si Roderick Limbo, 25, ay nagawa pang maitakbo sa ospital, subalit hindi na rin ito nakaligtas at nasawi, ayon kay PO2 George Caculba.

Ang kaibigan nitong suspect na si Mac Laine Lorrosa ay agad namang tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Nangyari ang insidente malapit sa bahay ng suspek sa Daisy St., Ilang-Ilang Extension, Payatas, ganap na alas-3 ng madaling-araw.

Bago ito, nag-iinuman umano ang dalawa sa nasabing lugar kung saan masaya pa silang nagkukuwentuhan.

Ayon kay Domingo Limbo, tatay ng biktima, makalipas  ang ilang oras, isang residente umano ang nagpunta sa kanilang bahay at sinabing ang kanyang anak ay duguan at may saksak sa katawan.

Agad na pinuntahan ni Mang Domingo ang lugar at inabutan ang duguang anak saka isinugod sa East Avenue Medical Center pero idineklara rin itong dead-on-arrival.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa krimen.

vuukle comment

AYON

DAISY ST.

DOMINGO LIMBO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GEORGE CACULBA

ILANG-ILANG EXTENSION

INAALAM

MAC LAINE LORROSA

MANG DOMINGO

SI RODERICK LIMBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with