^

Metro

Meralco employee, utas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng riding in tandem na kriminal ang isang kawani ng Meralco sa harap ng isang tindahan sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Dead on the spot sa lugar ang biktimang si Reginton Plaza, 37, stockman ng Meralco at residente sa Payatas A., sa lung­sod. Agad namang sumibat ang mga suspek na nakasuot ng bonnet lulan ng motorsiklo.

Ayon kay SPO1 Jaime Jimena, nangyari ang insidente sa harap ng Sylvia Store na matatagpuan sa Molave Extension, Patayas A, ganap na alas-7:30 ng umaga.

Sabi ni Jimena, nasa tindahan ang biktima at nag­mimir­yenda habang hinihintay ang pinapahugas nitong motorsiklo nang dumating ang mga suspek sakay ng isa ring motorsiklo.

Nabatid na bumaba ang lalaking angkas ng motor saka nilapitan ang biktima at kinausap. Ilang sandali pa ay bumalik na sa motorsiklo ang lalaki, hanggang sa magbunot ng baril ang kasama nitong nasa manibela at pinaputukan ang biktima.

Ayon sa pamilya ng biktima, wala silang nakikitang dahilan para patayin ito. Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

AYON

BINARIL

JAIME JIMENA

MERALCO

MOLAVE EXTENSION

PATAYAS A

PAYATAS A

REGINTON PLAZA

SYLVIA STORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with