^

Metro

Lalaki inatado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang patay makaraang pagsasaksakin sa loob ng Cloverleaf Market sa Balintawak, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO2 Louie Serbito, inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng edad na 30-35, nakasuot ng Jersey t-shirt na may markang Duncan, at 6-pockets na short pants, may tattoo na “Elmer” sa kanyang kaliwang braso.

Blangko rin ang otoridad sa pagtukoy sa suspek, dahil wala namang nakakita sa nasabing pananaksak.

Ang biktima ay nadis­kubre sa may harap ng Pinky’s Store na matatagpuan sa Cloverleaf market, Balintawak, Brgy. Bali­ngasa, alas-11:30 ng gabi.

Sabi ng isang Julius Sison, nakita na lamang umano niyang bumuwal ang biktima sa lugar hanggang sa tumawag na ang ilang concerned citizen sa otoridad.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) nagtamo ang biktima ng multiple stab wounds sa kanyang ka­tawan na siyang ikinamatay nito.

 

vuukle comment

AYON

BALINTAWAK

BLANGKO

BRGY

CLOVERLEAF MARKET

JULIUS SISON

LOUIE SERBITO

QUEZON CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with