^

Metro

Yaya salpok ng SUV, lasog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 28-anyos na yaya nang masagasaan ito ng isang humaharurot na sports utility vehicle (SUV) habang naglalakad sa isang makipot na lansangan sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Binawain ng buhay habang ginagamot sa Pasay City Ge­neral Hospital (PCGH)  ang bik­timang si Laila Opiana, naninirahan sa Cabrera St., ng naturang lungsod, nagtamo ito ng matinding pinsala sa ulo.

Nasa custody naman ng pulisya ang nakasagasa  na si Hazel Mallari Chilton, 35, ng San Lorenzo Village, Makati City  na nakatakda itong sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to  property.

Sa imbestigasyon ni PO3 Margarito Agas,  ng Pasay City Police Traffic Management Unit,  naganap ang insidente sa Protacio St., malapit sa 74th St., ng naturang lungsod habang naglalakad si Opiana­ patungo sa isang tindahan  upang bumili ng mineral water nang mabundol  ito ng isang humaharurot na  Toyota­  Fortuner  ( NLQ-963)  na minamaneho ni Chilton.

Dahil sa lakas ng pagkakabundol, nakaladkad pa ng ilang metro ang biktima hanggang sa maipit pa ang katawan nito sa konkretong poste ng gate ng isang bakanteng lote.

Dali-daling isinugod sa naturang pagamutan ang biktima, subalit habang ito ay nila­lapatan ng lunas ay nalagutan ito ng hininga at ang suspek namang si Chilton ay sumuko sa pulisya.

vuukle comment

CABRERA ST.

CHILTON

HAZEL MALLARI CHILTON

LAILA OPIANA

MAKATI CITY

MARGARITO AGAS

PASAY CITY

PASAY CITY GE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with