^

Metro

Balikbayan utas sa tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 51-anyos na balikbayan nang pagbabarilin ng riding in tandem habang naglilinis sa loob ng kaniyang bakuran sa Sampaloc, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay  sa pagamutan dahil sa apat na tama ng bala na tinamo ang biktimang si Diosdado Vinegas, residente ng Sampaloc,  Maynila. Sina­sabing ang biktima ay em­pleyado ng Marriot Hotel na nakatalaga umano sa branch nito sa Hawaii, USA.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District Homicide Section, dakong  alas-8:10 ng umaga ng maganap ang nasabing pamamaril sa bakuran ng bahay ng biktima.

Nabatid din na paalis na pabalik sa Hawaii ang biktima ngayong araw (Sabado) kaya naghahanda umano ito para sa despidida party.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso upang ma­tukoy ang motibo at pagkilanlan ng mga salarin na sakay ng isang motorsiklo. Pabalik-balik lamang umano sa Pilipinas ang biktima dahil immigrant na ito sa Hawaii, kung saan naka­destino.

vuukle comment

DIOSDADO VINEGAS

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MARRIOT HOTEL

MAYNILA

NABATID

PABALIK

PATULOY

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with