^

Metro

Rider nakipagkarerahan, tinodas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang motor­cycle rider makaraang barilin ng isang hindi pa nakikilalang motorista na lulan naman ng isa pang motor na naka-karerahan nito sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima sa kanyang driver’s license na si Dewy Ontog, 30, ng Block.11, Lot 23, Barangay Upper Bicutan, Taguig City.  Nagtamo ito ng mga tama ng bala buhat sa isang kalibre .40 mm pistol sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng Pasay City Police ang pagkakakilanlan ng suspek.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 3:35 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa Macapagal Ave., Roxas Boulevard sa lungsod ng Pasay.  Sakay umano ng kanyang asul na motorsiklo (2656-HZ)  ang  biktima nang mag-overtake sa isang motorsiklo  na kinalululanan ng suspek.

Hinabol naman ito ng salarin at nang magdikit ang kanilang mga motor ay sunud-sunod nang pinaputukan ang biktima at mabilis na  tumakas.

Narekober sa crime scene ang 19 na pirasong fired cartridge sa pinangyarihan sa lugar.

 

vuukle comment

BARANGAY UPPER BICUTAN

DEWY ONTOG

HINABOL

MACAPAGAL AVE

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

ROXAS BOULEVARD

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with