^

Metro

Nag-away ng nobyo modelo tumalon mula 28th floor, lasog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 28-anyos na modelo na sinasabing nag-suicide sa pamamagitan ng pagtalon mula sa 28th floor na condominium unit ma­tapos mag-away ng kanyang nobyo sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Pasig police chief Sr. Supt. Mario Rariza Jr., ang nasawi na si He­lena Belmonte, dalaga, isang Fil-Am, nakatira sa Unit-B 28th floor Renaissance 1000 Tower, Meralco Avenue, Pasig City.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang pagtalon ng biktima mula sa kanyang unit sa 28th floor at bumagsak ito sa ika-pitong pa­lapag ng gusali.

Sinabi ni Punzalan, nahirapan silang kunin ang bangkay ng biktima dahil  sumampay ang katawan nito sa isang ‘exhaust’ na makina.

Ganap na alas-7:00 ng umaga nang makuha ang bangkay ng biktima dahil tinawagan pa at hinin­tay ang pagdating sa crime scene ng  ilan nitong kamag-anak.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing bago maganap ang pagtalon ng biktima sa gusali ay inaway ito ng kanyang boyfriend na hindi pa tinutukoy ang pangalan.

Posib­leng labis na dinam­dam ng biktima ang pag-aaway nila ng kanyang nobyo kaya naisipan nitong tumalon sa gusali.

Gayunman, nagsasagawa pa ng masusing imbestigas­yon ang pulisya para mabatid kung may naganap na ‘foul play’ sa pagpapakamatay ng dalaga.

 

vuukle comment

AYON

BELMONTE

FIL-AM

GANAP

MARIO RARIZA JR.

MERALCO AVENUE

PASIG CITY

SHY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with