^

Metro

Bukod sa nadatnang natutulog, bagong District Director hindi pa nakilala; buong puwersa ng MPD-Barbosa police station, sinibak

Doris Franche-Borja at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinibak sa puwesto  ni  Manila Police District (MPD)  Director Chief Supt. Rolando Asuncion ang buong puwersa ng  MPD-Barbosa Police Station matapos na mahuli sa aktong natutulog ang mga pulis at marumi ang   istasyon  kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.

Agad na inalis sa puwesto sina  Barbosa-PCP commander Chief Insp. Joselito De Sesto gayundin ang kanyang  deputy na si  Insp. Joel Guimpatan at 19  pang pulis.

Sa kuwento ni Asuncion,  papunta na siya sa kanyang tanggapan nang maisipan niyang magtungo sa Barbosa  PCP upang  makita na ang mga pulis Maynila ay may disiplina. Laking gulat niya nang kabaligtaran ang kanyang nakita.

Ayon kay Asuncion,  nagkunwari siyang  magpapablotter kung saan   agad siyang pinalapit ng desk officer   at tinanong kung ano ang kanyang  irereklamo. Hindi umano siya nakilala nito.

 Nakita ni Asuncion na may mga natutulog, ash tray, bote  na nakakalat sa sahig sa PCP kung kaya’t kinunan niya ito ng  video gamit ang kanyang  Iphone. Subalit isa sa mga pulis ang nakakita sa kanya at siya ay sinita.

Dito na nagpakilala si Asuncion bilang district director kung saan agad niyang inutos na magsilabas ang lahat ng mga pulis na agad namang  nagsagawa ng formation. Nadismaya umano siya sa kanyang nakitang kawalang disiplina.

‘Kung marumi ang  lugar lalo na siguro ang  CR. Dapat ang  CR ang pinakamalinis dahil dito nagre-reflect ang   personalidad ng isang tao”, ani Asuncion.

Dahil dito sinabi ni Asuncion na  kailangan niyang ayusin ang  kanyang  nasasakupan kung kaya’t ito na rin ang kanyang babala sa iba pang mga  station commanders.

Papalit naman kay De Sesto si Sr. Insp. Alden Lee Panganiban bilang bagong Barbosa-PCP Commander.

vuukle comment

ALDEN LEE PANGANIBAN

ASUNCION

BARBOSA

BARBOSA POLICE STATION

CHIEF INSP

DE SESTO

DIRECTOR CHIEF SUPT

JOEL GUIMPATAN

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with