^

Metro

Brgy. Chairman sa Maynila, tugis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tugis ngayon ng mga tauhan ng  Manila  City Hall- Manila Action and Special Assignment (MASA) ang isang  barangay chairman  sa Sta. Cruz, Maynila matapos nitong iutos ang clearing operations ng mga vendors   ng walang  koordinasyon mula sa city hall at  ikinasugat ng ilang vendor.

Ayon  kay Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., hepe ng  MASA,  wala sa  kanyang bahay  at barangay hall si Bgy. Chairman Rodrigo Cruz, na sinasabing nag-utos sa kanyang  12 kagawad at ilang tauhan ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) na  hakutin ang mga estante ng mga vendors.

Sinabi ni  Irinco na si Cruz ay kanilang pagpapaliwanagin bunsod ng reklamo ng may 20 vendors na matagal nang nakapuwesto sa  harap ng Everlife Mart Rizal Avenue,  Sta. Cruz, Maynila. Nangyari ang umano’y illegal na demolisyon noong Huwebes ng alas 12 hanggang ala -1 ng tanghali.

Paliwanag ni Irinco, dapat ay nagkaroon ng  koordinasyon mula  kay City Administrator Atty. Simeon Garcia at sa pulisya si Cruz, kung ang intensiyon nito ay linisin  ang kanyang nasasakupan. Aniya, maitutu­ring itong pag by pass  ni  Cruz  sa  posisyon ni  Garcia.

Ayon  kay Millet Blas, isa sa mga vendors tila harassment ang ginawa ni Cruz sa kanila kung saan  posibleng nais nitong mangolekta sa kanilang hanay.

Matatandaan na nagbabala si Manila Mayor Joseph Estrada  sa lahat ng mga city  at barangay officials na huwag i-harass ang mga vendors na guma­gawa ng paraan upang mabuhay.

Dagdag pa ni Irinco, maaaring kasuhan ng robbery  si Cruz at mga kagawad nito  matapos umanong mawala ang mga relo at iba pang  kagamitan ng mga vendors na  hinakot.

Isang impormasyon naman ang  nakuha ng  Pilipino Star Ngayon na nagtatago si Cruz sa kanyang pag-aaring punerarya.

 

vuukle comment

AYON

BERNABE IRINCO

CHAIRMAN RODRIGO CRUZ

CHIEF INSP

CITY ADMINISTRATOR ATTY

CRUZ

IRINCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with