^

Metro

Truck sa Maynila, balik biyahe

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling naglabasan sa kalye ang mga dambuhalang truck makaraang pansamantalang itigil ng mga grupo ng trucker ang kanilang truck holiday para pagbigyan ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa giit na subukan muna ang ipinatutupad na daytime truck ban.

Gayunman, naninin­digan pa rin ang grupo na dapat ibalik sa kanila ang 24-7 na truck lane sa Maynila.

Sinabi ni Integrated North Truckers Association President Teddy Gervacio  na kanilang susubukan ang pakiusap ni Manila Mayor Joseph Estrada na sumunod muna sa daytime truck ban. Ito ay isasagawa nila sa loob lamang ng tatlong araw.

Subalit sa hiwalay na pahayag ni Abraham Rebao, director ng Aduana Business Club, isang organisasyon ng haulers­, hindi sila susunod sa daytime window na ipinatutupad sa Maynila at sa halip ay 24 oras silang magbibiyahe dahil hindi rin naman tumupad sa  naging kasunduan na nabuo sa meeting nila nitong Miyerkules sa harap ni Cabinet Secretary Rene Almendras.

“We met last night at Philippine Ports Autho­rity (PPA) headquarters and it was agreed that Mayor Erap will allow 24 hours for export and import trucking,” pahayag ni  Rebao.

Kinontra naman ito sa Tweet message ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na nagsabing hindi pa ibinabasura ang daytime window bagamat pinalawig ito hanggang sa alas-5:00 ng hapon sa halip na hanggang  alas-3:00 ng hapon lamang at ipatutupad sa loob ng dalawang linggo.

Paliwanag ni Rebao, ang pagkansela nila sa tigil-biyahe ay hanggang 3 araw lamang din at sa layunin na mabawasan ang tambak na shipping containers sa Manila Ports na umabot na sa critical level dahil sa 3-araw na truck holiday na nagsimula noong Lunes at may 7,000 truck din ang nakatengga lang.

Ayon naman kay Gervacio, pagkalipas ng tatlong araw na masubukan ang daytime window ay muli silang makikipagpulong sa alkalde kasama ang ibang grupo ng trucker para mailahad ang resulta ng pagsubok sa daytime truck ban.

Sakaling hindi magkasunod, nagbanta rin si Gervacio na babalik sila sa truck holiday.

Nabatid na pumasok na ang Malacañang sa nasabing usapin at humarap sa pulong sa pagitan ng truckers at mga opisyal ng Manila City  government.

 

vuukle comment

ABRAHAM REBAO

ADUANA BUSINESS CLUB

CABINET SECRETARY RENE ALMENDRAS

GERVACIO

INTEGRATED NORTH TRUCKERS ASSOCIATION PRESIDENT TEDDY GERVACIO

MANILA CITY

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with