^

Metro

Tirador sa LRT bumibiyahe pa ng HK para mandukot

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Timbog ang isang 24-anyos na notoryus na mandurukot na may santambak na warrant of arrest mula sa iba’t ibang lugar sa bansa, nang matiyempuhan ng mga operatiba  ng Manila Police District-District Special Operations Unit (MPD-DSOU) na naglalamay sa patay sa Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala ni DSOU chief, P/Supt. Samuel Pabonita ang naarestong si Bryan Duque Y Cruz, walang asawa, residente ng no. 933 D. Santiago st., Sampaloc, Maynila.

Aminado naman ang suspek na siya ay may mga nakakalat na larawan sa mga istasyon ng Light Rail Transit (LRT) makaraang mahuli siya sa kasong pandurukot sa mga pasahero at nagagawa pa niyang magtungo sa ibang bansa, tulad ng Hong Kong upang doon mandukot at magnakaw.

Sa ulat, isang impormante ang nagbigay ng tip sa mga tauhan ng DSOU hinggil sa presensiya ng suspect sa cara y cruz, sa lamayan sa patay kaya tinungo ito habang ang ilan sa operatiba ay kumuha ng kopya ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Junius Delaten ng Municipal Trial Court, First Judicial Region ng Calasiao, Pangasinan nitong Enero 13, 2014.

Dakong alas 9:00 ng gabi ng araw na ito nang isagawa din ang pag-aresto sa suspek na hindi na nakapalag matapos ipakita sa kaniya ang arrest warrant, habang ito ay tumataya sa nasabing pasugal sa patay na nasa gilid lamang ng Pureza st., Sta. Mesa.

Kamakalawa nang ilipat ng kustodiya sa Warrant Section ng MPD ang suspek na hindi magawang maglagak ng piyansa nang isa-isang magdatingan ang mga kopya ng warrant of arrest kaugnay sa pandurukot, sa mga lugar ng Maynila, Quezon City at Caloocan.

“Aalamin din namin kung anong pangalan ang ginagamit niya kasi may impormasyon kami na maski sa abroad nakakapandukot ito, sabi nga nagpupunta daw ito sa ibang bansa na hindi kailangan ng visa kaya nakakalusot kahit may mga pending case,” ani PO3 Manuel Pimentel, ng MPD-DSOU.

vuukle comment

BRYAN DUQUE Y CRUZ

FIRST JUDICIAL REGION

HONG KONG

JUDGE JUNIUS DELATEN

LIGHT RAIL TRANSIT

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT SPECIAL OPERATIONS UNIT

MANUEL PIMENTEL

MAYNILA

MUNICIPAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with