^

Metro

Bodegang ginawang katayan ng mga karnap, sinalakay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  Isang bodega na ginagawang katayan ng mga karnap na sasakyan ang ni-raid ng mga pulis  sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating kay Police Senior Supt. Rho­derick Armamento, hepe ng Valanzuela City Police, alas-5:30 ng hapon nang salakayin ng mga pulis sa bisa ng search warrant na pinalabas ni Judge Nancy Rivas Palmones ng RTC Branch 172 ang isang bo­dega sa kahabaan ng Sibesco St., Victoria Village, Brgy. Canumay East ng na­turang  lungsod.

Nakakuha ang mga pulis na mga piyesa ng mga sa­sakyan kinarnap at mga gamit sa pagkatay ng sasakyan.

Lumalabas na noong Disyembre 30, 2013, unang nadakip ng mga pulis si Joselito Valenzuela habang dala ang isang karnap na L-300 van kung saan inginuso nito  kung saan dinadala ang mga karnap na sasak­yan,  na naging dahilan upang kumuha ng search warrant ang mga pulis hanggang sa sinalakay ang bodega.

Kasalukuyan nang pinag­hahap ng mga pulis ang da­la­wang kasabwat ni Valenzuela na hindi muna pinangalanan.

vuukle comment

CANUMAY EAST

JOSELITO VALENZUELA

JUDGE NANCY RIVAS PALMONES

POLICE SENIOR SUPT

SHY

SIBESCO ST.

VALANZUELA CITY POLICE

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with