^

Metro

Sewage treatment plants ilalagay sa palengke -- Bistek

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inatasan ng Quezon City hall ang mga pribado at pampublikong palengke na maglagay ng sewage treatment plants sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Aksyon ito ng city hall, matapos na aprubahan ni Mayor Herbert Bautista ang isang ordinansa na naga-atas sa mga naturang palengke na magkabit, mag-operate at magmantina ng nasabing sistema.

Nakasaad pa na ang sinumang hindi sumunod sa ordinansa ay hindi na bibigyan ng city government ng pagkakataong makapagtayo ng kanilang negosyo.

Ang ordinansang “Sewage Treatment Plant of Quezon City Markets” na akda ni 3rd district councilor Gian Carlo Sotto, ay nakapasa sa ikatlo at pinal na pagbasa ng konseho noong November 25 at agad namang inaprubahan ni Bautista noong December 20. Ito agad  ay magiging epektibo matapos ang paglagda ng alkalde.

Ayon sa ordinansa, kaila­ngan na maipatupad ang  batas dahil may panganib ito sa kalusugan ng kanilang mamama­yan kung kaya kailangan nang imandato ang pagkakabit ng sewage treatment plant para sa mga palengke, pribado o pampubliko man, nang mabawasan ang bilang ng mga sakit bunga ng microorganisms sa tubig na inilalabas pabalik sa kapaligiran.

Dahil sa sewage treatment plants, nais ng city government na mapagtuunan ng pansin ang dumi sa mga palengke na katulad sa mga domestic sewage na karamihan ay kinabibilangan ng kaliskis ng isda, piraso ng karne, at maduming tubig na maaring maka-pollute sa mga streams at ilog kapag pinakawalan ng hindi nagamot.

Sa ilalim ng ordinansa na pinalawig pa ng probisyon ng Green Building Ordinance of 2009 kaugnay sa sewage treatment plants, ang mga palengke sa QC ay kailangang kumuha ng permits mula sa Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD), Market Development and Administration Department (MDAD) at sa city building official (CBO).

Magi-isyu lamang ng permit ang mga naturang lokal na ahensya sa sandaling ang pribado at pampublikong palengke ay nakapatayo at nag-operate ng isang sewage treatment plant at natiyak ng departamento ang kalidad ng proseso ng water treatment.

Ang mga bagong tayong palengke ay makapag o-ope­rate sa sandaling nagkapagtayo na sila ng sewage treatment plants na aprubado ng EPWMD, ng MDAD at ng CBO.        

Ang hindi sumunod sa nasabing utos ay hindi pagbibigay ng 
business permit sa palengke at posibleng humantong sa pagsasara ng palengke.

 

vuukle comment

ENVIRONMENTAL PROTECTION AND WASTE MANAGEMENT DEPARTMENT

GIAN CARLO SOTTO

GREEN BUILDING ORDINANCE

MARKET DEVELOPMENT AND ADMINISTRATION DEPARTMENT

PALENGKE

SEWAGE

TREATMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with