^

Metro

3 katao sinalvage sa Taguig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang mga  biktima ng summary execution ang natagpuang may tama ng baril, tadtad ng saksak at tinali ang mga kamay at mga paa sa nakaparadang 10- wheeler truck sa Taguig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Reynaldo Cabalan, 29, driver, residente ng  #225 NHA Building Delpan St., Tondo, Manila; Rogin Mesias, may sapat na gulang, taga-Bustos, Bulacan at isang alyas “Jayson”, nasa hustong gulang,  kapwa helper at kawani ng MMC Trading Company.

Samantala, blanko pa ang pulisya kung sino ang mga taong responsable sa brutal na pagpatay sa tatlong biktima.

Lumabas sa inisyal na report na natanggap ni Police Supt. Annie Bodanio, hepe ng Taguig City Police, habang nagro-roving ang dispatcher na si Christopher Navarro, 32, sa panulukan ng Santa Maria Drive at 1st Avenue, TBICAL, Brgy. Bagong Bayan ng naturang siyudad ay tumambad sa kanya ang tatlong bangkay ng biktima na nasa loob ng isang nakaparadang Isuzu ten-wheeler truck na may plakang XCP-760 at may body number WG & Super Ferry.

Nakatali ang mga kamay at paa ng mga biktima ng alambre, may mga tama ng bala ng baril at tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa teorya ng pulisya, posibleng pinahirapan muna ang tatlong biktima bago pinatay.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa insidente.

vuukle comment

ANNIE BODANIO

BAGONG BAYAN

BUILDING DELPAN ST.

CHRISTOPHER NAVARRO

POLICE SUPT

REYNALDO CABALAN

ROGIN MESIAS

SUPER FERRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with