^

Metro

Trader utas sa ambush

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang negos­yante makaraang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin habang lulan ito ng motorsiklo sa Taguig City, kahapon ng madaling- araw. Agad na nasawi ang biktimang si Rodrigo Fernandez, 36, ng Ballecer St., South Signal Village, ng naturang lungsod.  Nagtamo ang biktima ng tama ng bala buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo at katawan.

Sa imbetigasyon ng Taguig Police, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo dakong alas-2:35 ng madaling-araw nang harangin at pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa may President Garcia St. sa Brgy. South Signal Village.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang motibo sa pamamaslang habang nakuha naman sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

vuukle comment

BALLECER ST.

BRGY

NAGTAMO

PATAY

PRESIDENT GARCIA ST.

RODRIGO FERNANDEZ

SOUTH SIGNAL VILLAGE

TAGUIG CITY

TAGUIG POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with