^

Metro

Sa Maynila at Malabon 2 parak patay sa tandem

Doris Franche-Borja at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pulis-Maynila at isang pulis-Malabon ang kapwa nasawi makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem na suspects sa magkahiwalay na lugar kahapon ng umaga.

Sa Maynila, dead-on- the-spot ang biktimang si SPO4 Antonio Castillo, hepe ng anti-crime division ng MPD Station 11 sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa ulo matapos na barilin nang malapitan ng  suspects na tandem, habang ang una ay nagsasagawa ng clearing operation sa Ongpin St., sa Binondo, Maynila pasado alas-9 ng umaga kahapon. 

Ayon kay MPD homicide chief, Senior Insp. Steve Casimiro, nakatayo sa Tambakan St. malapit sa lumang bumbero  si Castillo nang  tambangan ng mga suspect lulan ng motorsiklo.

Samantala, isang hindi natukoy na tindera ang tinamaan din ng ligaw na bala sa naganap na pamamaril.

Agad na nagpalabas ng P500,000  reward si Manila Mayor Joseph Estrada sa agarang ikadarakip ng suspect.

Inatasan din ni Estrada ang kapulisan na pag-ara­lang mabuti ang CCTV upang matukoy ang suspect.

Samantala sa Ma­labon, patay din ang isang bagitong pulis matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem na suspects habang ang una ay bumibili ng kape kahapon ng umaga.

Dead on-the-spot ang biktimang si PO1 Felicisimo De Guia Jr., 39, naka­talaga sa PCP 4 ng Malabon City Police at residente ng  Gov. Pascual Avenue, Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre .45 baril.

Naganap ang insidente  dakong alas-5:50 ng umaga sa kahabaan ng M. Naval St., Flores ng naturang lungsod habang bumibili ng kape ang biktima nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ang una.

Sa ngayon ay nagsa­sagawa pa ng masusing imbestigasyon ang Ma­labon City Police hinggil sa insidente.

vuukle comment

ANTONIO CASTILLO

CITY POLICE

FELICISIMO DE GUIA JR.

MALABON CITY POLICE

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

NAVAL ST.

ONGPIN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with