^

Metro

Nagtalo sa naluluging negosyo misis inutas ni mister

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 39-anyos na negosyante nang saksakin ng ilang ulit ng kaniyang mister sa gitna ng kanilang kompron­tasyon kaugnay sa pagkalugi umano ng negosyo sa Tondo­, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Gabi na nang bawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Rosemarie Balila, residente  ng Bldg. 27, Unit 207, Temporary Housing, Road 10, Tondo.

Tinutugis naman ang mister nitong si Dante Ba­lila, na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni SPO1 Jo­nathan Moreno ng MPD-Homicide Section, dakong alas-5:00 ng hapon, nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Nagtatalo umano ang mag-asawa hinggil sa pagkalugi ng junk shop na pag-aari ng biktima. Sinisi umano ng biktima ang suspect dahil sa walang patumanggang paggasta, batay sa imbestigasyon.

Posibleng nagdilim umano ang paningin ng suspect kaya nito pinagsasaksak ang misis saka mabilis na tumakas.

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

DANTE BA

HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MORENO

NAGTATALO

PATAY

ROSEMARIE BALILA

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with