^

Metro

Alitan sa trapiko: Sales agent dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang sales agent ang nasawi makaraang hatawin ng helmet sa mukha at pagbubugbugin ng dalawang suspect dahil sa umano’y simpleng alitan sa trapiko sa lungsod Quezon, kama­kalawa.

Si Vitallano Nierva, 31, ng Lower Sampaguita St., Brgy. Payatas A, sa lungsod, ay nagawa pang maitakbo sa ospital pero idineklara ring dead-on-arrival sanhi ng mati­tinding sugat na tinamo.

Arestado naman ang mga suspect na sina Dio­nisio Alegria Jr., 41, truck driver; at Gilbert Gucilatar, 20, utility boy.

Nangyari ang insi­dente sa may kahabaan ng A. Bonifacio Avenue, corner 7th Avenue, Brgy. Pag-ibig ng Nayon, ganap na alas- 5:30 ng hapon.

Ayon sa pahayag ng testigong si Rico Etchon, naglalakad siya sa lugar nang makita niya ang biktima na sakay ng isang tricycle na pang-deliber at hinarang ng mga suspect na sakay ng isang Honda XRM (KM-5311).

Bumaba umano ang backrider na si Gucilatar at hinubad ang suot niyang crash helmet saka ipinalo sa mukha ng biktima, dahilan para mauwi ito sa pagsusuntukan nilang dalawa. Ilang sandali pa, bigla na lang bumuwal ang biktima at nawalan ng malay hanggang sa tuluyang masawi. 

Inihahanda na ang kasong  isasampa laban sa mga suspect.

vuukle comment

ALEGRIA JR.

ARESTADO

BONIFACIO AVENUE

BRGY

GILBERT GUCILATAR

LOWER SAMPAGUITA ST.

PAYATAS A

RICO ETCHON

SI VITALLANO NIERVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with