^

Metro

Ginang nabagsakan ng higanteng billboard

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Na-shock ang isang ginang matapos itong mabagsakan ng isang higanteng billboard sa isang bakanteng lote ng  North Luzon Expressway (NLEX) sa Caloocan City noong Linggo.

Nasa mabuti nang kalagayan at pinalabas na ng os­pital ang biktimang si Rosa­linda Zacarias,  ng Libis, Brgy.  160 ng nasabing lungsod.

Ayon kay P/ Supt. Ferdi­nand del Rosario ng Calo­ocan City Police, naganap ang in­­sidente dakong alas-3:30 ng hapon sa naturang lugar kasabay nang malakas na ulan dahilan upang kumalas ang higanteng billboard.

Walang kamalay-malay ang ginang nang biglang bu­­magsak ang naturang hi­ganteng billboard at nabagsakan ito.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insi­dente at papanagutin din ang nagmamay-ari ng billboard.

vuukle comment

AYON

BRGY

CALO

CALOOCAN CITY

CITY POLICE

FERDI

HANGGANG

NORTH LUZON EXPRESSWAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with