^

Metro

2 umambus sa Malacañang engineer, ka-live-in, timbog

Ludy Bermudo­ - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa sa tatlong pinaniniwalaang miyembro ng ‘gun-for-hire’ ang inaresto ng Manila Police District-Homicide Section kaugnay sa isinagawang pananambang sa magka-live-in sa Sampaloc, Maynila, noong Agosto 29.

Nakapiit na ang mga suspect na sina Elvis Venus, 35, taxi driver, ng Damayan Lagi, New Manila, Quezon City at Danilo Corpuz, 37, cook at residente ng Sitio Mendez, Baesa, Caloocan City.

Sa panayam kay MPD-Ho­­micide Section chief, P/Senior Insp. Steve Casimiro, si Venus ang driver ng get-away taxi (UVV-322) na ginamit ng mga suspect na sina Danilo at nakakalaya pang kapatid nito na si Darlito, 40, ang itinuturong gunman sa pagpatay sa mga bik­timang sina Winebaldo Serrano, 52, engineer na naka­talaga sa Pre­sidential Ma­nagament Staff sa Malacañang Palace at  live-in partner nitong  si Leticia Gundayao, 49, noong madaling-araw ng Lunes sa gate ng kanilang tinutuluyan sa  Prudencio St., Sampaloc.

Aminado si Casimiro na wala pa silang nakukuhang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaslang dahil tumatanggi pa ang mga suspect na may kinalaman sila sa nasabing krimen.

Gayunman, may hawak silang ebidensiya na nagtuturo sa mga suspect kabilang ang plate number na ibinigay sa kanilang tanggapan ng isang testigong security guard, na nagbigay din ng salaysay hing­gil sa naobserbahang pag­mamanman ng mga suspect gamit ang nasabing taxi, gabi pa lamang ng Agosto 29 na kahina-hinala na ang mga kilos at nagtatago sa bahaging madilim at umiiwas sa ilaw ng ibang sasakyan na dumaraan.

Naisulat umano ng sekyu ang plate number sa rekord form at makalipas ang ilang oras ay doon na narinig ang magkakasunod na putok. Na­kita rin niya ang dalawang lalaki na nagmamadaling sumakay ng taxi bago ito pinaharurot.

Ayon kay SPO1 Jupiter Tajonera, unang dinakip si Venus habang nakaistambay sa Araneta Avenue sa Quezon City  na siyang nagturo naman sa magkapatid na sina Danilo at Darlito.

Si Danilo ay naaresto sa loob ng kanyang bahay dakong alas-2:00 ng hapon  habang patuloy pa ang pagtugis kay Darlito.

vuukle comment

AGOSTO

ARANETA AVENUE

CALOOCAN CITY

DAMAYAN LAGI

DANILO

DANILO CORPUZ

DARLITO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with